The Mind Warp

Edu's poem compilation, random thoughts, dreams and visions.

Monday, March 28, 2005

Lumutang Sa Kawalan

Nasaan na ang panahon?
Mga nasayang na oras
Oras na ginugol sa kawalan
Na kailan ma’y ‘di na babalik

Nasaan na ang panahon?
Mga taong lumipas
Mga araw na naubos
Minuto at segundong naglaho

Nasaan na ang panahon?
Mga panahong nasunog
Natunaw parang isang kandila
Na kailan ma’y di na mabubuong muli

Nasaan na, nasaan na?
Mga pagkakataong pinalampas
Pinalampas, pinabayaan na oras
Hindi na mababawi ang mga pagkakamali

Nasaan na, bakit nawala?
Pumiglas, dumulas sa aking mga kamay
Lumayo, lumipad ‘di na naabot
Na kahit anong pilit, hindi na lalapit

Nasaan na ang panahon?
Bakit kay lupit?
Mga sugat na natamo
Panahon ang nagbigay, panahon din ang gagamot

Nasaana na, nasaan na?
Nasayang, nasayang…

1997

0 Comments:

Post a Comment

<< Home